Tuba, Benguet – Agad na sinaklolohan ng mga Pulis na nakatalaga sa San Pascual Quarantine Checkpoint ang isang lalaking sugatan sa San Pascual, Tuba, Benguet nito lamang ika-5 ng Agosto 2022.
Ayon kay Police Captain Jeremias P Toyocan, Acting Chief of Police ng Tuba Municipal Police Station, ang biktima ay kinilala bilang si Ginoong Raymart D Cruz, 25, laborer at may asawa.
Ayon sa salaysay ng biktima, kasalukuyan siyang nagkukumpuni sa kanilang bahay gamit ang kanyang electric grinder nang aksidenteng matamaan ang kanyang paa at nagtamo ng malubhang sugat.
Kasama ang mga tauhan ng 2nd Benguet Mobile Force Company, nilapatan ng paunang lunas at maingat na binuhat ng mga kapulisan ang biktima upang maisakay sa mobile car ng pulisya.
Samantala, dumating din ang mga rescuers ng Tuba Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kaya mas madaling naihatid sa Baguio City General Hospital ang biktima.
Pinuri naman ni Police Captain Toyocan ang mga kapulisan na nakatalaga sa Quarantine Checkpoint sa kanilang agarang pagtulong sa biktima na nagpapatunay na ang kapulisan ay handang tumulong sa anumang oras at pagkakataon.
Source: Tuba MPS
###