Cavite – Naaresto ang isang lalaki na may kasong Qualified Rape sa joint operation ng mga awtoridad sa Bayan Luma II, Imus Cavite nito lamang Miyerkules, noong Pebrero 1, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Lolo”, 57, residente ng Antipolo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 5:00 ng umaga naaresto ang suspek sa naturang barangay ng mga pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police Station, Criminal Investigation and Detention Group Rizal Provincial Force Unit, Regional Mobile Force Battalion 4A, 34th Special Action Company 3rd Special Action Battalion ng PNP Special Action Force at Quezon City Police District Police Station 8.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape na walang rekomendasyong piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa may pagkakasala sa batas ay bunga ng pinaigting na suporta at magandang ugnayan sa mamamayan upang mapanatili na ligtas, mapayapa at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A