Quezon City – Timbog ng mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team Bulacan ang isang suspek sa kasong carnapping nitong Lunes, Hunyo 13, 2022.
Kinilala ni PMaj Michael Villar, Provincial Officer, PHPT-Bulacan ang suspek na si Christopher Jhon Caballero y Balonga, 25, residente ng Blk 16, Lot 9, Red Oak St., Francisco Homes 1, Brgy. Guijo, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon kay PMaj Villar, bandang 5:55 ng umaga nang naaresto si Caballero sa Kasayahan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City ng mga tauhan ng PHPT-Bulacan kasama ang Quezon City Batasan PS-6, QC DPHPT, Regional Mobile Force Battalion at 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PMaj Villar, naaresto si Cabbalero sa bisa ng Warrant of Arrest na may rekomendadong piyansa na Php300,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
Ang bawat matagumpay na operasyon ng PNP ay dahil na rin sa tulong at impormasyon ng bawat mamamayan na malaking aspeto sa pagkakaroon ng mas mapayapang komunidad.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera