Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Oplan Lambat Bitag ng mga awtoridad sa Abella Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato nnito lamang Enero 23, 2022.
Kinilala ni Police Major Maxim Peralta, Hepe ng Kabacan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ebrahim”, 32, may asawa at residente ng Brgy. Bulol, Pikit, Cotabato.
Bandang 8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa isinagawang Oplan Lambat -Bitag ng mga operatiba ng Kabacan Municipal Station, kasama ang Matalam Municipal Police Station, Mlang Municipal Police Station, Carmen Municipal Police Station, 1st at 2nd Mobile Company CPPO at Highway Patrol Group.
Nakuha mula sa suspek ang isang caliber .45 na may serial number na 1160273 na may kasamang magazine at walo na bala at isa pang steel magazine na may apat na bala.
Nahaharap ang arestado sa kasong paglabag sa RA10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Ang Cotabato PNP ay patuloy na paigtingin ang anti-criminality campaign para masupil ang anumang uri ng krimen sa komunidad para sa payapa at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolwoman Vina C. Morales