Quezon City — Timbog ng mga tauhan ng Project 4 Police Station (PS) ang isa sa dalawang suspek na umano’y nanggahasa nito lamang Linggo, Marso 19, 2023.
Kinilala ni PBGen Nicolas Torre lll, ang mga suspek sa pangalang Christian Franz, 21, residente ng Brgy. Quirino 3-A, Project 3, Quezon City at Larry, 20, residente ng Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, naaresto si Larry dakong alas-12:40 ng madaling araw sa No. 350 P. Tuazon Blvd., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City habang pinaghahanap pa ng otoridad ang kasabwat nito na si Christian Franz.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang panggagahasa ng mga suspek noong Marso 18, 2023 sa bahay nina Christian Franz.
Humingi ng tulong sa PS 9 ang biktima kung saan pinayuhan siyang sumailalim sa Medico Legal sa Quirino Memorial Medical Center. Pagkatapos nito, itinurn-over siya sa PS 8 para sa imbestigasyon at tamang disposisyon sa insidente at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng PS 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek kay Larry.
Samantala, patuloy ang manhunt operation para sa posibleng pagkakadakip sa isa pang suspek.
Nahaharap ang suspek na si Larry sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 sa Quezon City Prosecutor’s Office.
“Binabati ko ang mga operatiba ng PS 8 sa pagkakadakip ng isa sa mga suspek. Tiniyak ng pulisya na mabibigyang proteksyon, kaligtasan, at moral ang mga bata, kung kaya sinumang mahuli o maireklamong sangkot sa paglabag sa kanilang karapatan, ay mananagot sa batas,” ani PBGen Torre lll.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos