Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa PNP sa Indanan, Sulu nito lamang ika-26 ng Enero 2023.
Ayon kay Police Major Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, sa tulong ni Hon. Hashim Jamaluddin, ABC president/Brgy Chairman ng Brgy. Adjid, Indanan, Sulu ay boluntaryong isinuko sa Brgy. Chairman ng isang lalaki ang isang yunit ng Revolver .38 na may anim na bala.
Ang nasabing baril ay tinanggap naman ni PEMS Percival Limpasan, Team Leader na pinangasisiwaan ni PMaj Edwin Sapa.
Ito ay kaugnay sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program at pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa pamamagitan ng MTF-ELCAC.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril bago dalhin sa Sulu PCLO para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang publiko na makipag-ugnayan lamang sila sa pinakamalapit na himpilan nang pulisya kung sila ay may baril na walang kaukulang dokumento at nais nila itong isuko.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz