Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang kanyang loose firearm sa Indanan, Sulu nito lamang ika-20 ng Pebrero 2023.
Habang nagsasagawa ng Regular Barangay Visitation ang mga kapulisan ng 4th RMFC-RMFB BASULTA at Indanan MPS, isang lalaki ang boluntaryong nagsuko nang isang caliber .38 (Smith Wesson) na may tatlong bala sa tulong ni Hon. Alman Uding, Barangay Chairman ng Brgy. Tubig Dakulah.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Armed Confict.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril bago dalhin sa Sulu Provincial Forensic Unit para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung sinuman ang may baril na walang kaukulang dokumento at nais itong isuko.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz