Indanan, Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa PNP sa Indanan, Sulu nitong Martes, Mayo 31, 2022.
Kinilala ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, ang boluntaryong nagsuko na si alyas “Abdenpatta”.
Ayon kay PMaj Sapa, sa tulong ni Mrs. Salma Pearl Nahudan, Brgy. Chairwoman ng Brgy. Kan Islam, Indanan ay isinuko ng isang lalaki ang isang yunit ng Revolver .38 na walang serial number.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms at para na rin sa pinaiiral na gun ban kaugnay sa katatapos lang na eleksyon.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy naman na nagpapaalala ang PNP sa mga gun owners na siguruhing may kaukulang dokumento ang mga baril na pagmamay-ari nila, gayundin ang istriktong pagsunod sa umiiral na gun ban.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz