Bukidnon – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng campaign materials na may nakakabit na pera matapos maharang sa checkpoint ng mga awtoridad sa Crossing ng Sta Ines, Malitbog, Bukidnon nito lamang ika-29 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Captain Jonel Antique, Officer-In-Charge, Malitbog Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Mac”, 27, residente ng naturang lugar.
Bandang 2:25 ng hapon nang maharang ang suspek sa COMELEC checkpoint ng mga tauhan ng Malitbog Municipal Police Station at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sakay ng isang motorsiklo na may Plate No. 3869.
Tumambad sa awtoridad ang bundle ng pera na nagkakahalaga ng Php43,250 na may kasamang campaign materials kasama ang pangalan ng isang kandidato.
Nahaharap sa COMELEC Omnibus Election Code o Vote Buying ang suspek.
Patuloy ang Police Regional Office 10 sa pagpapaigiting ng seguridad upang mailunsad ng maayos ang BSKE 2023.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris