Iligan City – Arestado ang 25 anyos na lalaki sa ikinasang Search Warrant Operation sa kasong paglabag sa RA 10591 ng mga awtoridad sa Purok 5, Brgy. Luinab, Iligan City nito lamang ika-7 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Major Neil Mark Quipanes, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, ang suspek na si alyas “Ronnie”, 25 at residente ng Iligan City.
Ayon ka PMaj Quipanes, bandang 10:30 ng gabi nang naaresto ang suspek sa pinagsanib pwersa ng Iligan City Police Station 1, Iligan City Intelligence Unit 10 at Regional Intelligence Unit 10.
Nakuha mula sa suspek ang isang replica ng 9mm at nahaharap sa kasong paglabg sa RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act.
Hindi titigil ang Northern Mindanao PNP sa paghuli ng may pananagutan sa batas upang masawata ang krimen tungo sa isang mapayapa at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10