Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa kasong Serious Illegal Detention nito lamang Enero 11, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Jomar”, 30, may asawa at residente ng Zone 1, Brgy. Maasin, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 7:02 ng gabi nang naaresto ang suspek sa kanyang tirahan ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 10 at 1st Zamboanga City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Serious Illegal Detention na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Roneald Tumonong/RPCADU 9