Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad nito lamang Lunes, Pebrero 27, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Kuya Jovin”, 29, walang asawa at residente ng Zone 5, Brgy. Divisoria, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 6:17 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Sitio Inner, Brgy. Quiniput, Zamboanga City sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 2 at 55th Special Action Company ng Special Action Force sa bisa ng Warrant of Arrest sa Kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9