Malaybalay, Bukidnon – Timbog ang isang lalaki sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng Malaybalay City PNP sa Purok-5, Brgy. Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Setyembre 2, 2022.
Kinilala ni Police Major Felife Yap, Officer-In-Charge ng Malaybalay City Police Office, ang suspek na si Jino Benitez Dela Cruz, 24, caretaker at residente ng Purok 5 Brgy. Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay PMaj Yap, bandang 10:00 ng umaga nang naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Office at 1004th Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion 10 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa.
Nagpahayag ng papuri ang Provincial Director sa mga rumespondeng tauhan ng PNP para sa mahusay na trabaho at walang humpay na pagsisikap na ilagay sa likod ng rehas ang taong may sala sa batas.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10