Cagayan de Oro City – Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ng Cagayan de Oro City Police Station 3 sa Zone 8D, Cugman, Cagayan de Oro City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 30, 2022.
Kinilala ni Police Captain Ernesto Sanchez, Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Jhunray”, 37 at residente ng Zone 8D, Cugman, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PCpt Sanchez, naaresto ang suspek bandang 9:00 ng hapon sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Station 3, City Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency 10.
Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.05 gramo na nagkakahalaga ng Php1,000, isang Techno android cellphone, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang Caliber .38 na may isang bala at sling bag na kulay itim.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang Cagayan de Oro City PNP sa mandatory sa kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupan para makamit ang maayos at payapa para sa maunlad sa komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10