Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Pebrero 15, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Abdul”, 42, may asawa at residente ng Brgy. Rio Rondo, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 9:00 ng umaga nang naaresto ang suspek sa kanyang tirahan ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 11 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” sa ilalim ng Criminal Case No. 51454.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9