Malabon City, Laguna – Arestado ang isang lalaki sa patong-patong na kaso ng Malabon City PNP at Police Community Affairs and Development Group sa Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion, Malabon City nito lamang Lunes, Oktubre 17, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Albert Barot, Chief of Police ng Malabon City Police Station, ang suspek na si Carlito Alarcon Sueno, 56, may asawa, residente ng Sitio Coral, Matictic, Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay PCol Barot, bandang 1:30 ng hapon nang nirespondehan ni Patrolman Allan Roquite, aktibong miyembro ng Pambansang Pulisya na nakatalaga sa Police Community Affairs and Development Group, Camp Crame, Quezon City, residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, tinawag ng mga residente ang naturang pulis upang pigilan ang pananaksak at pag-aamok ng suspek. Subalit, patuloy pa rin itong sinaksak ang biktima sa hindi malamang dahilan na kinilala na si Mark Lester Flores Caling, welder, residente din ng naturang lugar.
Inatasan ni Patrolman Roquite na sumuko peru nanlaban at ilang beses na tinangka ng suspek na saksakin ang naturang pulis na dahilan ng kanyang pagbunot ng baril.
Nagkaroon ng tama sa kaliwang paa ang suspek na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Narekober sa pinangyarihan, ang isang kutsilyo, dalawang fired cartridge case ng Caliber 9mm at isang deformed bullet.
Nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Homicide, Direct Assault at Batas Pambansa 6.
Samantala, pinuri ni PCol Barot ang agarang aksyon na ginawa ni Patrolman Roquite para siguraduhin na wala ng ibang masaktan at mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.
Source: Malabon City Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz