Dalipuga, Iligan City – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang Joint Manhunt Charlie Operation ng Iligan PNP sa Tag-ibo, Brgy. Dalipuga, Iligan City nito lamang Agosto 4, 2022.
Kinilala ni Police Major Taha Tambog Jr, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Office-Station 3, ang suspek na si Lovebear Apatan Almonte, 21, residente ng Sitio Sardab, Brgy, Dingkilaan, Iligan City.
Ayon kay PMaj Tambog, nasakote ang suspek bandang 8:00 ng umaga sa naturang lugar ng mga operatiba ng Iligan City Police Office-Station 3, Iligan City Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 10 at Iligan City Police Office-Station 6.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Grave Coercion sa ilalim ng Criminal Case No. 22-336.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa adhikain na mapanagot at mailagay sa likod ng rehas ang mga taong may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan