Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga PNP nito lamang Martes, Hunyo 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si Modesto Cahilig Dioso alyas ”Bebot”, 71, may asawa, at residente ng Bat Compound, Governor Camins, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 9:14 ng umaga nang naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office- Police Station 11 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9