Zamboanga del Sur – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Oplan Pagtugis ng PNP Criminal Investigation and Detection Group 9 at Zamboanga del Sur PNP nito lamang Huwebes, Nobyembre 17, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Red Perocho, Provincial Chief, Criminal Investigation and Detection Group, Zamboanga del Sur Provincial Field Unit, ang naarestong suspek na si alyas “Sayad”, 37, may asawa, residente ng Brgy. Ticala San Pablo, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PLtCoL Perocho, bandang 5:00 ng hapon nang naaresto ang suspek sa Brgy. Ticala San Pablo, Pagadian, Zamboanga del Sur ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga del Sur Provincial Field Unit, 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company at San Pablo Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may kaukulang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9