Zamboanga del Sur – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Oplan Pagtugis ng Criminal Investigation and Detection Group 9 at San Pablo PNP sa Brgy. Muricay, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang Sabado, Nobyembre 12, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rex Perocho, Provincial Chief ng Criminal Investigation and Detection Group, Zamboanga del Sur Field Unit, ang naarestong suspek na si Askuna Fermin Samal, 42, may asawa at residente ng Brgy. Muricay, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PLtCol Perocho, bandang 12:50 ng gabi nang naaresto ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga del Sur Provincial Field Unit at San Pablo Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may kaukulang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9