Quezon, Bukidnon – Arestado ang isang lalaki sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang operasyon ng Bukidnon PNP nito lamang Linggo, Hunyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Manuel Katigbak Minguez, 52, residente ng Purok 3, Palacapao, Quezon, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, nadakip ang suspek bandang 10:30 ng umaga sa Purok 4, Palacapao, Quezon, Bukidnon ng mga operatiba ng Quezon Municipal Police Station katuwang ang Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder.
Ang Provincial Director ay nagpahayag ng kanyang papuri sa mga rumespondeng tauhan ng Bukidnon PNP para sa mahusay na trabaho at walang humpay na pagsisikap na ilagay ang Most Wanted Person sa kustodiya ng pulisya.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10