Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Law Enforcement Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Martes, Nobyembre 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Lyn”, 42, walang asawa, residente ng Brgy. Bunguiao, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 10:42 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Brgy. Bunguiao, Zamboanga City ng mga operatiba ng 1st Zamboanga City Mobile Force Company, Zamboanga City Police Station 11, Zamboanga City Police Station 3 at Sibuco Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9