Zamboanga del Sur – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga PNP nito lamang Huwebes, Hulyo 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Unit 9, ang suspek na si Romulo Sudiang y Sandiag, 67, may asawa, retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, residente ng Purok Matinabangon, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PCol Encinareal, bandang 9:45 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Purok Matinabangon, Barangay Bulatok, Pagadian City, ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Falsification of Public Documents.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9