Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng Zamboanga PNP nito lamang Hulyo 18, 2022.
Kinilala ni Police Major Sonny Boy Perez, Station Commander ng Zamboanga City Police Office-Station 6, ang suspek na si Ignacio Señara, 36, may asawa, residente ng San Juanino Drive, Purok 7, Brgy. Mampang, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Perez, bandang 9:10 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Natividad Street, Tetuan, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office- /Station 6 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9