Caloocan City – Arestado ang isang lalaki sa kasong Carnapping ng PNP Highway Patrol Team – Caloocan City nito lamang Miyerkules, Hunyo 29, 2022.
Kinilala ni PLtCol Joel Mendoza, Officer-in-Charge, Regional Highway Patrol Unit – NCR, ang suspek na si Rexter Santos Dela Cruz, 18, jobless, single, residente ng 126 Callejon Street, Bagong Barrio, Barangay 150, Caloocan City.
Ayon kay PLtCol Mendoza, bandang 8:30 ng hapon nang naaresto si Dela Cruz sa Ministop along Edsa Bagong Barrio, Caloocan City sa isinagawang intelligence driven operation ng mga operatiba ng RHPU-NCR Intelligence branch sa pamumuno ni PMaj Anselmo A. Chulipa.
Ayon pa kay PLtCol Mendoza, naaresto si Dela Cruz sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Rodolfo P. Azucena Jr., Acting Presiding Judge, Branch 125, Caloocan City sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang bawat matagumpay na operasyon ng PNP ay dahil na rin sa tulong at impormasyon ng bawat mamamayan na malaking aspeto sa pagkakaroon ng mas mapayapang komunidad.
Source: OIC, RHPU-NCR
###
Panulat ni Police Senior Master Sergeant Marisol A Bonifacio