Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Sabado, Pebrero 4, 2023.
Kinilala ni Police Major Alexie Palisuc, Acting Chief of Police ng Katipunan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Isko”, 47 at residente ng Brgy. Naningan, Katipunan, Zamboanga del Norte.
Ayon kay PMaj Palisuc, bandang 4:40 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Fr. Barua St., Brgy. Tetuan, Zamboanga City sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Katipunan Municipal Police Station at Zamboanga City Police Station 6 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9