Zamboanga del Norte – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Oplan Pagtugis ng Criminal Investigation and Detection Group at Zamboanga del Norte PNP nito lamang Lunes, Oktubre 3, 2022.
Kinilala ni Police Major William Maisog, Provincial Chief, Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga del Norte Field Unit, ang suspek na si Audey Principe y Gimeno alyas “Audey Principle”, 29, walang asawa at residente ng Purok 3, Tubunan Katipunan, Zamboanga del Norte.
Ayon kay PMaj Maisog, bandang 2:11 ng hapon nang naaresto ang suspek sa Brgy. Minaog, Dipolog City, Zamboanga del Norte ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga del Norte Provincial Field Unit at Dipolog City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaukulang piyansa na Php36,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9