Sultan Kudarat – Timbog ang isang lalaking may kasong 2 Counts of Murder matapos maaresto ng mga tauhan ng Lutayan Municipal Police Station sa Sultan Kudarat nito lamang ika-8 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Major Leonel Delasan, Chief of Police ng Lutayan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Alyas “Ricky”, nasa wastong gulang at residente ng Barangay Palavilla, Lutayan, Sultan Kudarat.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng Lutayan Tracker Team, Alert Team at Lutayan Municipal Police Station.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia