Cotabato – Arestado ng mga tauhan ng Pikit Municipal Police Station ang isang 40-anyos na lalaki matapos makuhanan ng baril sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Inug-ug, Pikit, Cotabato nito lamang ika-27 ng Disyembre 2023.
Ayon kay Police Major Arvin John Cambang, Hepe ng Pikit Municipal Police Station, habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanilang hanay katuwang ang 1203rd Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 12 nang sinita ang suspek at hinanapan ng dokumento sa dalang baril na kinilalang suspek na si alyas “Rolando”, na residente ng Poblacion 6, Midsayap, Cotabato.
Walang naipakitang mga papeles ang suspek sa dala nitong baril na isang yunit ng Cal. 45 pistol na kargado ng anim na bala kaya agad itong kinumpiska at inaresto ng mga awtoridad.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang PRO 12 sa pagsasagawa ng checkpoint sa kanilang mga nasasakupan para mas masiguro ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng krimen.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin