Naga City – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Naga City PNP sa Zone 3, Barangay Mabolo, Naga City nito lamang Setyembre 27, 2023.
Kinilala ni Police Major Alex Sumayao, Station Commander ng Station 5, Naga CPO, ang suspek na si alyas “Bornok”, 36 , binata, residente ng Barangay Mabolo, Naga City at kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated List on Database of Illegal Drugs.
Ayon kay Police Major Sumayao, naaresto ang suspek bandang 4:45 ng hapon ng pinagsanib na mga operatiba ng Naga City Police Station 5 at PDEG sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-Naga City Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang 2.245 na gramo ng shabu na may street value na Php15,266.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP Bicol ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang linisin ang komunidad laban sa ilegal na droga.
Source: Naga City Police Office