Caloocan City — Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng walang dokumentong baril sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Miyerkules, Mayo 10, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District (NPD), ang suspek na si alyas “Jamal”, 30, may live-in partner, vendor at naninirahan sa Phase 1, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naaresto si alyas “Jamal” sa isinagawang entrapment operation laban sa ilegal na pagbebenta ng loose firearms, bandang 2:40 ng madaling araw sa Phase 9, Package 7, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City ng pinagsanib puwersa ng Intelligence Section ng CCPS, at Northern NCR Maritime Police Station kasama ang 4th at 5th MFC ng RMFB NCRPO.
Narekober sa suspek ang isang Caliber .45 na baril na walang serial no. na may magazine at kargado ng apat (4) na live ammunitions; isang green eco bag; at isang Php1,000 na may kasamang 12 na piraso na boodle/pekeng Php1,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Binabalaan ng kapulisan ng Northern Metro ang mga indibidwal na huwag magdala at gumamit ng mga armas na walang kaukulang papeles upang maiwasan ang makapangbiktima ng mga inosenteng mamamayan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos