Wednesday, October 23, 2024

Lalaki, arestado matapos mahulihan ng baril sa isang Adonis Resto Bar

Sultan Kudarat — Kalaboso ang sinapit ng isang 38-anyos na lalaki matapos mahulihan ng ilegal na baril habang nasa loob ng isang Adonis Resto Bar sa Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato nito lamang ika-10 ng Hunyo 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, Hepe ng Midsayap Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Solimer”, may-asawa at residente ng Barangay New Panay, Pigcawayan, Cotabato.

Ayon kay PLtCol Oranza, bandang 11:30 ng gabi ng inaresto si “Solimer” matapos makuhanan ito ng ilegal na armas habang nagsasagawa ng Oplan Sita at Kap-kap bakal Operation ang kapulisan ng Midsayap Municipal Police Station sa nasabing resto bar.

Dagdag pa ni PLtCol Oranza, nakumpiska sa suspek ang isang yunit ng caliber .38 Smith and Wesson na may serial number 121061, at may kasama na limang live ammunition.

Nabigo ang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento sa dala nitong baril kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Tiniyak naman ni PLtCol Oranza na patuloy ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng mga ganitong operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles