Talisay City, Negros Occidental – Nakatakas ang isang lalakeng preso sa detention facility ng Talisay City Police Station nitong umaga ng Miyerkules, Mayo 11, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arthur Baybayan, Hepe ng Talisay City Police Station, ang tumakas na preso ay kinilalang si Arnel Ocaña na residente ng Barangay Cabatangan, Talisay City.
Ayon pa kay PLtCol Baybayan, tinulungan ng desk officer at jailer na si Police Chief Master Sergeant Pastor Antonio Celajes ang suspek upang humiga sa isang steel chair sa loob ng istasyon matapos itong nagkunwaring sumasakit ang tiyan ngunit bigla na lang itong nawala ng bumalik ang pulis matapos tawagan ang City Health Office.
Si Ocaña ay naaresto noong Abril 23, 2022 sa kasong rape at kabilang sa mga most wanted personality sa Mandaue City, Cebu.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng PNP kay Ocaña habang tiniyak naman ni Police Lieutenant Colonel Baybayan na hindi titigil ang kanyang hanay hangga’t hindi pa ito nahuhuling muli.
###