Iloilo City – Isinagawa ng Police Regional Office 6 ang Lakad Laban sa Droga na pinangunahan ni Police General Rodolfo S Azurin Jr., Chief, Philippine National Police, na ginanap sa Esplanade 1, Mandurriao, Iloilo City nito lamang ika-21 ng Disyembre 2022.
Nakilahok din sa aktibidad sina Police Lieutenant General Benjamin D Santos Jr., Deputy Chief for Operation; Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, Retired PNP; Police Brigadier General Leo M Francisco, Regional Director ng PRO6; Police Brigadier General Enrico H Vargas, EX-O, APC Visayas; PRO6 Personnel at sa aktibong suporta ng ating KASIMBAYANAN volunteers at Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Pinasimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng paglalakad mula Esplanade 4 hanggang sa Skateboard Park, Esplanade 1 na sinundan ng testimonya mula sa mga life coaches ng PRO6 at pagbibigay ng mensahe ng ating Chief PNP, “Bilang ama ng ating Pambansang Pulisya ay ipinaaabot ko po ang aking taos pusong pasasalamat sa inyong walang sawang pagtulong at pagsuporta sa ating kapulisan sa ating kampanya kontra ilegal na droga sa buong bansa” at tinapos ang aktibidad ng zumba dance na nilahukan ng ating mga KASIMBAYANAN volunteers.
Ang aktibidad ay kaugnay sa peace and security framework ng Pambansang Pulisya ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran upang mapanatili ang magandang ugnayan ng Kapulisan at Komunidad.
Life is beautiful, tulong-tulong tayo, layunin ng aktibidad na makaiwas ang ating mga kababayan sa ilegal na droga lalong lalo na ang mga kabataan na nagsisilbing pag-asa ng bayan.