Zamboanga City (December 11, 2021) – Pinangunahan ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director, Police Regional Office 9 (PRO9) ang send-off ceremony ng mga madedeploy na 95 lady patrollers noong Disyembre 11, 2021 sa Camp Colonel Romeo Abendan, Mercedes, Zamboanga City.
Ang mga lady patrollers ay magsagawa ng community and service-oriented policing sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ayon kay PBGen Simborio, ito ay bahagi ng Oplan Mujeres kung saan ang mga kababaihang pulis na nakatapos ng Rifle Marksmanship Training ay ilalagay sa iba’t ibang lugar upang magsagawa ng police visibility at beat patrol.
Naglalayon itong mapalakas at mapaunlad ang kasanayan ng mga babaeng pulis at maalis ang diskriminasyon sa mga kababaihan.
“Ito ay upang ipakita ang mga kasanayan at lakas ng mga babaeng pulis na nagpapatunay na ang mga kababaihan ay pantay ang trato at ginagalang sa organisasyon. Sila ay maaari ding magsagawa ng mga gawain na ginagawa ng mga lalaki.” saad ni PBGen Simborio.
Isang patunay na ang ating mga Lady Cops ay handang magserbisyo sa ating mga kababayan sa anumang panahon at pagkakataon.
####
Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite
Good Job poh…laging maaasahan yan ang PNP