Nakiisa ang La Paz PNP sa pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng Tree Planting Activity sa Brgy. La Purisima, La Paz, Tarlac nito lamang Martes, ika-9 ng Enero 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Jim Tayag, Chief of Police ng La Paz Municipal Police Station, katuwang ang KaligKasan Warrior, Barangay Health Worker, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Women’s Group.
Nagkaisa ang bawat indibidwal at nagtanim ng mga punong-kahoy na kaugnay sa PNP Core Values na “Pulis MakaKalikasan “.

Hinihikayat ng La Paz PNP ang ating mga kababayan sa Tarlac na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng ating inang kalikasan.
Source: La Paz Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera