Timbog ang isang 80-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa Barangay Topland, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Mayo 28, 2025.
Kinilala ng Police Lieutenant Colonel Peter L Pinalgan Jr., Chief of Police ng Koronadal City Police Station, ang suspek na si alyas “Antet,” balo, walang trabaho, at residente ng nasabing lungsod.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng Koronadal CPS Tracker Team, katuwang ang CIDG South Cotabato PFU, 1st SCPMFC, RID 12 Tracker Team Charlie, at HPG South Cotabato.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(b) of R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na May inirekomendang piyansa na aabot sa Php180,000.
Patuloy ang Koronadal PNP sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad. Hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masigurong ligtas at maayos ang pamayanan, alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.
Panulat ni Kherwin Jay Medelin