Nagsampa ng kasong kriminal ang CIDG PFU Abra laban sa mga lider at miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra para sa paglabag sa R.A No. 9851 at R. A. 11479 noong Disyembre 6, 2021 sa Office of the Provincial Prosecutor, Bangued, Abra sa pangangasiwa ng duty Prosecutor Hon. Michael P. Eddiva, Associate Provincial Prosecutor.
Ang pagsasampa ng mga nabanggit na kaso laban sa mga respondent ay nagmula sa panghaharas at pag-atake na naganap noong 10:00 ng gabi ng Disyembre 1, 2017 sa Sitio Mabongtot, Sallapadan, Abra na pinangunahan ng mga kinilalang suspek na sina Abdun Siddayao aka Abdul/Chico, Joel Banganan, Jacinto Paruden at mga nasa tamang edad na kalalakihan na residente ng Baunao, Malibcong, Abra.
Ayon sa ulat, habang huminto ang koponan ng 24th IB PA, sabay-sabay silang pinaputukan ng hindi matukoy na bilang ng mga personalidad ng Teroristang Grupo mula sa Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra na dahilan upang gumanti ng putok ang grupo na tumagal ng humigit-kumulang 10 minuto ang putukan bago umatras ang kalaban sa iba’t ibang direksyon ng magubat na lugar ng Sitio Mabongtot, Sallapadan, Abra.
Bago ang insidente, nagsasagawa ng hot pursuit operation ang 24th IB PA laban sa mga umaatras na commander at miyembro ng KLG North Abra na nanghaharas at sumalakay din sa isa pang team ng 24th IB PA noong Nobyembre 27, 2017 sa Sitio Naga-asan, Brgy. Ud-udiao, Sallapadan, Abra.
Kaugnay nito, ang isang hiwalay na Criminal Complaint para sa Multiple Attempted Murder ay inihain din ng Sallapadan MPS na may NPS Docket No. I-06-INV-17L-00234 noong Disyembre 15, 2017.
#####
Panulat ni: Police Corporal Amyl Cacliong
Sana matapos ng ganitong mga panyayari sa ating bansa. Salamat PNP sa aktibong aksyon na inyong nagawa laban sa mga grupong eto.
Mabuhay ang Team PNP
SALAMAT PNP