La Trinidad, Benguet (February 20-21, 2022) – Nagdaos ng dalawang araw na Youth Empowerment ang Kabataan Kontra Droga At Terrorismo (KKDAT) Cordillera sa Maringal Hall, Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong ika-20 at 21 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Dinaluhan ito ng higit 40 na opisyal at miyembro ng KKDAT mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon Cordillera katuwang ang Police Regional Office (PRO) Cordillera – Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa pamumuno ni Police Colonel Cristopher Acop.
Sa unang araw, nagsagawa ng lecture tungkol sa Adolescent Brain at Youth Development Work si Dr. Cecilia Noble, KKDAT Senior National Adviser upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kabataan at kapulisan sa komunidad.
Gayundin, ang hepe ng Community Assistance Section (CAS) na si Police Lieutenant Jovelyn Awingan at NUP Elizabeth Cedo ay nagsagawa ng mga lecture tungkol sa mga tungkulin ng kabataan sa komunidad at paano nakakaapekto ang depresyon.
Samantala, sa ikalawang araw ng programa, tinalakay ni Police Chief Master Sergeant Jeremy Tugay-an ang paraan ng mapanlinlang na recruitment ng makakaliwang grupo. Gayundin, tinalakay din ni Police Major Irish Dilem, Chief Operation, Police Community Relations (PCR) ang “Roles of Youth in Preventing Cyber Crime, Community Information and Social Media”.
Naimbitahan din sina Mr. Yuri Delamo Yune at nang kanyang may-bahay na si Mrs. Eunice Eunsook Yune ng Life Jesus Ministry International na tumalakay sa “Spiritual Enhancement and Psychological Awareness”.
Naging matagumpay ang dalawang araw na aktibidad kung saan ikinatuwa ng mga kabataan ang kanilang pagtitipon dahil sa natutunang aral at napatibay ang pakikipag-ugnayan sa pambansang pulisya ng Cordillera.
###
Panulat ni Patrolman Raffin Jude A Suaya, RPCADU COR
Husay Tunay na malasakit salamat po
good job