Binigyang-pagkilala ng Highway Patrol Group (HPG) ang mga kilalang personalidad at empleyado ng gobyerno dahil sa kanilang pagsuporta at pagtulong sa iba’t ibang road safety programs ng HPG.
Sa ginanap na awarding ceremony noong Setyembre 29, 2021, iginawad ang Master Rider at Senior Master Rider Badge sa mga piling awardee.
Kabilang sa mga tumanggap ay sina House of Representative Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza; MMDA Assistant Secretary and Spokesperson, Pircelyn “Celine” Pialago; OWWA Deputy Executive Director, Esther Margaux “Mocha” Uson; at artistang si Mr. Zoren Legaspi.

Si HPG Director, Police Brigadier General Alexander Camilon Tagum ang personal na nag-pin ng HPG Master Rider badge sa mga pinagkalooban.
Ang naturang badge ay ibinibigay sa mga alumni ng HPG Motorcycle Rider’s Course na nakaabot ng 5,000 ridden kilometer at iginawad ito sa nasabing mga personalidad dahil sa kanilang kontribusyon sa Motorcycle Riding and Road Safety Advocacy ng HPG.
“They did not only complete our Rider’s Course, but also proved themselves worthy to be called Master Riders. Our awardees have gone above and beyond their duties to help us spread the right rider’s mentality to our nation’s motorcycle riders and road users,” pahayag ni HPG Director PBGen Tagum.
###
Article (news) by Police Corporal Josepine T Blanche