Monday, November 25, 2024

Mon Tulfo arestado sa kasong cyber libel

Ermita, Manila – Arestado ang isang batikang broadcaster sa kasong Cyber Libel ng mga tauhan ng Manila Police District nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco ang batikang broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo, 75, may asawa, journalist, residente ng Unit 20- D Kingswood Vito Cruz, Brgy. La Paz, Makati City.

Ayon kay PBGen Francisco, bandang 10:05 ng umaga naaresto si Tulfo sa loob ng Quadrangle ng Manila City Hall, A. Villegas, Ermita, Manila, ng mga operatiba ng SMaRT, District Intelligence Division ng Manila Police District sa bisa ng Arrest Warrant.

Ayon pa kay PBGen Francisco, naglabas umano ng arrest warrant ang korte dahil sa hindi pagdalo ni Tulfo sa mga pagdinig kaugnay sa isinampa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may kaugnayan umano sa mga alegasyon laban sa kanya ni Tulfo na may kinalaman siya sa “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration.

Dagdag pa ni PBGen Francisco, mahaharap si Tulfo sa kasong paglabag sa R.A. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Tiniyak ni PBGen Francisco na patuloy na paiigtingin ang paghahanap sa mga akusadong may Warrant of Arrest upang mapagbayaran ang mga salang kanilang ginawa at mabigyang hustisya ang kanilang nabiktima.

###

Panulat ni PSSg Remelin Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles