Thursday, November 7, 2024

Kick-off Ceremony ng 28th Police Community Relations Month, isinagawa ng PRO Cordillera

Benguet – Isinagawa ng Police Regional Office Cordillera ang Kick-off Ceremony ng 28th Police Community Relations Month na ginanap sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Hulyo 3, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General David Peredo Jr., Regional Director ng PROCOR na dinaluhan naman ni Ginoong Cameron Odsey, ang Regional Executive Director ng Department of Agriculture-Regional Field Office Cordillera na nagsilbi bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, gayundin ang iba pang mga panauhin at PROCOR Key Officers.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay parangal sa pitong PROCOR personnel para sa kanilang natatanging paggawa at pambihirang pagganap, kasama ang mga nanalo sa katatapos lamang na PROCOR Marksmanship Enhancement and Fun Shoot for a Cause na ginanap sa Shilan Firing Range sa La Trinidad, Benguet nito lamang Hunyo 22, 2023.

Samantala, sa mensahe ni Director Odsey, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng PNP sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan, na mahalaga para sa pagpapanatili ng kaunlaran sa rehiyon sa kabila ng mga balakid na dulot ng mga alitan ng tribo sa boundary disputes.

“Muli kong binabati ang PROCOR sa inyong patuloy na pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon na lubos na nagpadali ng trabaho namin sa DA. Inaasahan namin ang inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan habang nagpapatuloy kami sa aming misyon para sa aming mga nasasakupan,” dagdag ni Director Odsey.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles