Alicia, Bohol (February 4, 2022) – Masayang inihatid ng mga tauhan ng Alicia Police Station na sina PSSg May Amor Sabas at PSSg Zenithal Bandoles, PCR PNCOs, sa direktang pangangasiwa ni PLt Wilson Orapa, Acting Chief of Police, ang mga materyales sa isa sa mga kauna-unahang benepisyaryo sa inilunsad na “Project Atop” nito lamang ika-4 ng Pebrero 2022 sa Sitio Airline, Poblacion, Alicia, Bohol.
Malugod na tinanggap ni Ginoong Agustin Curay, senior citizen, may asawa at anak na PWD, residente ng Brgy. Poblacion, ang 16 na piraso ng yero na gagamitin sa pagsasaayos ng nasirang bubong ng bahay na dulot ng pananalasa ng bagyong Odette sa nakalipas na taon.
Nagpapasalamat naman ang mga kapulisan ng Alicia PS sa mga tumugon at nagbigay ng kanilang tulong pinansyal na dahilan upang malikom ang mahigit kumulang Php8,000 na siyang ginamit sa pagbili ng mga materyales.
Ang “Project Atop” ay naorganisa upang magsagawa ng donation drive na kung saan ang mga malilikom na tulong ay gagamitin upang matulungan ang mga katulad ni Tatay Agustin na mabigyang muli ng ligtas at maayos na tirahan.
####
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Tunay na malasakit yan ang mga kapulisan natin
Congratulations Tatay Agustin at sa team PNP ng Alicia PS.
Congratulations Alicia PS