Cebu – Mainit na tinanggap ng Mandaue City Police Office ang pagtatalaga kay Police Colonel Maribel Bantilan Getigan bilang kauna-unahang babaeng Acting City Director sa Mandaue City sa isang seremonya na ginanap sa punong-tanggapan ng Mandaue City Police Office, Camp Demetrio Mendoza Cortes, Barangay Centro, Mandaue City, Cebu noong Biyernes, Agosto 25, 2023.
Pinalitan at humaliling Mandaue City Police Office Director si Police Colonel Getigan, samantala si Police Colonel Jeffrey Caballes ay itinalaga na hepe ng Regional Logistics and Research Development Division ng Police Regional Office 7.
Sa isang pahayag, ipinangako ni Police Colonel Getigan na kanya pang papaigtingin ang mga hakbang sa pagpigil sa krimen at paunlarin ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon at aktibong pakikipag-ugnayan sa lungsod.
Nakatuon siya na isakatuparan ang mga epektibong programa na naaayon sa 5-Focused Agenda ng CPNP Police General Benjamin Acorda Jr at ang Triple-A Program ng PRO7.
Sa patnubay ng mga programang ito, agad na ipinakilala ni Police Colonel Getigan ang kanyang programang may acronym na “MANDAUE” o Managing the Ability and the Never-ending Duty of our Adept Uniformed and Non-Uniformed personnel Every day.
Naniniwala siya na sa pagkakaisa bilang pundasyon, ang pulisya ng Mandaue ay makakabuo ng isang mas ligtas at mapayapang lungsod.
Sa kabilang banda, kasabay ng malugod na pagtanggap ni Police Colonel Cabales kay Police Colonel Getigan bilang bagong Acting City Director, nagpasalamat siya sa Pamahalaang Lungsod ng Mandaue sa suporta at pakikipagtulungan sa mga plano at programa ng PNP sa kanyang panunungkulan bilang City Director sa loob ng isang taon at dalawang araw.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Police Regional Office 7 Director, ang seremonya kasama ang presensya ng LGU ng Mandaue City, mga opisyal ng PRO7, at mga tauhan nito.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni PBGen Aberin ang kanyang pasasalamat kay Outgoing City Director ng Mandaue City Police Office, Police Colonel Caballes, sa kanyang huwarang pamumuno at dedikadong serbisyo sa mga Mandauehanon.
Pinaalalahanan din niya ang dalawang lider na magkaisa sa pagsusulong ng kanilang katungkulan na nakaayon sa vision at mission ng PNP organization.
“Each of us holds our respective assignment for a significant purpose. Together, as we move forward, let us carry the torch of service, honor, and justice, igniting a brighter future for the Mandaue City community and the rest of Central Visayas,” saad ni Police Brigadier General Aberin.
SOUREC: PIO, PRO 7