Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City – Binigyan ng parangal ng Police Regional Office 5 ang ilan sa mga kapulisan na may Outstanding Accomplishments sa ngalan ng paglilingkod sa bayan at sa mamamayan nito lamang ika-5 ng Setyembre 2022 kasabay ng Flag Raising Ceremony sa Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City.
Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sina Police Lieutenant Colonel Jeric Don P Sadia, Patrolman Ariel Buetre ng Sorsogon Police Provincial Office-Drug Enforcement Unit, Police Captain Allan A Hermosa at Police Corporal Emmanuel A Barrun ng Cataingan Municipal Police Station- Masbate Police Provincial Office dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga tulak ng droga sa lugar at pagkakakumpiska sa mahigit Php589,029.60 na halaga ng shabu.
Binigyan din ng kaparehong parangal sina Police Major Arwin D. Destacamento at Police Staff Sergeant Joel C Mison ng Pilar Municipal Police Station- Sorsogon PPO dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang Most Wanted Person para sa kasong 4 Counts of Qualified Rape.
Parehong parangal din ang iginawad kina Police Staff Sergeant Regie O. Garing at Patrolman Alfie B Flores nang dahil sa pagkakasakote sa Rank 6 Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) na may kasong 2 Counts of Rape.
Samantala, Medalya ng Pagkilala ang iginawad kina Police Senior Master Sergeant Joel A Buen at Police Staff Sergeant Joel R. Besmonte dahil sa kanilang ginawang tulong at assistance sa mga taong nangangailangan upang ipakita ang magandang ugnayan ng Pulis at Komunidad at magsilbing magandang halimbawa sa mga kapulisan.
Ang PNP PRO5 ay nagbibigay ng pagkilala sa mga outstanding accomplishments ng mga tauhan nito, patunay lamang ng mahusay at buong pusong paglilingkod sa pamayanan upang maging inspirasyon sa lahat.
Source: KASUROG Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia