Antique – Nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station ng symposium kaugnay sa KASIMBAYANAN program ng PNP sa San Pedro National High School, San Jose, Antique nitong ika-11 ng Enero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station katuwang ang Police Community Affairs and Development Unit ng Antique PPO sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Alexander G Mariano, Provincial Director.
Ito ay nilahukan ng mga estudyante ng nasabing paaralan at tinalakay ang mga batas tulad ng Cyber Bullying and Responsible Used of Social Media, Anti-Terrorism Campaign, Illegal Drug Awareness Campaign, Implementation of Local Ordinances (No Smoking and Curfew Ordinance for Minors) at Faith, Moral and Spiritual Values.
Dumalo rin bilang mga tagapagsalita sina Pastor Maluto, PCMS Christopher Mendoza, PMSg Carlo Oribe at PSSg Benjamin Montiflor upang magbigay kaalaman sa mga estudyante tungkol sa mga nabanggit na batas.
Layunin ng naturang aktibidad na makapagbigay ng mga kaalaman tungkol sa mga batas na makakatulong sa pag-unlad ng kinabukasan ng mga kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan.