Sabay-sabay na inilunsad ng pitong istasyon sa Southern Police District ang “KASIMBAYANAN” SAFE NLE 2022 o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan Secure, Accurate, Free/Fair National and Local Elections 2022 bandang alas-singko ng umaga ng Huwebes, Marso 17, 2022.
Ang nasabing pitong istasyon ng SPD ay binubuo ng Parañaque City PS, Makati City PS, Muntinlupa City PS, Pasay City PS, Taguig City PS, Las Piñas City PS, at Pateros PS.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, District Director ng SPD na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kasama rin sa aktibidad ang Different Political Aspirants para sa lokal na posisyon mula sa Mayor, Vice Mayor, Municipal Councilor at mga Barangay Chairman/Chairwoman ng iba’t ibang barangay sa loob ng Southern District.
Lumahok din ang iba’t ibang Advocacy Support Groups at Religious Sectors tulad ng Katoliko, Islam, Evangelical at iba pa.
Naging tampok sa naturang aktibidad ang Unity Walk, Interfaith Rally, at Candle Lighting na taimtim na sinalihan ng lahat ng dumalo sa nasabing okasyon at sinundan pa ng makahulugang Peace Covenant Signing.
Sa pagtatapos ng programa, ang mga kalahok ay sabayang nagpalipad ng mga puting kalapati at puting lobo bilang simbolo ng kapayapaan.
Layunin ng programa na suportahan ang Commission on Elections (COMELEC) upang magkaroon ng Secure, Accurate, Fair/Free Elections 2022 sa darating na halalan.
“Mananatiling non-partisan o apolitical ang Pambansang Pulisya ngayong panahon ng eleksyon. Makakaasa ang mamamayang Pilipino na magkakaroon sila ng seguridad, malinis at payapang halalan ngayong darating na Mayo”, saad ni PBGen Macaraeg.
###
Tunay n serbisyong publiko salamat sa mga awtoridad