Lebak, Sultan Kudarat (February 22, 2022) – Nagsagawa ng “KASIMBAYANAN” (Kawani, Simbahan, at Pamayanan) for S.A.F.E (Secure, Accurate, Free/Fair Elections) 2022 ang Lebak Municipal Police Station na ginanap sa Lebak Land Transport Complex, Brgy. Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat.
Pinangunahan ito ni PMaj Joel Martinez, Chief of Police kasama ang mga miyembro ng Kabataang Makadagat (KAMADA), Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Salaam Police Advocacy Group (SPAG), LGBTQ Group, Lebak Unity Raiders LUR, Snipers Club, Faith-Based Advocacy Group, Phi Delta Gamma, COMELEC at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ang Lebak MPS kasama ang mga lumahok ng caravan/motorcade na sinundan ng interfaith prayer, signing of pledge of commitment at ang simbolikong pagsisindi ng mga kandila.
Tinitiyak ni PMaj Martinez na ang Lebak PNP ay mananatiling nakatuon sa tungkulin nito bilang isang non-partisan na organisasyon at magbibigay ng seguridad na mapanatili ang maayos na halalan 2022.
Source: Lebak Municipal Police Station – PRO 12
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=257500589874147&id=100068426236046
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin
Tagumpay salamat PNP
Maraming salamat po sa suporta at tiwala.