Pigcarangan, Lanao del Norte – Nagsagawa ng “KASIMBAYANAN” (Kawani, Simbahan, at Pamayanan) for S.A.F.E (Secure, Accurate, Free/Fair Elections) 2022 ang Lanao del Norte Police Provincial Office sa Multi-Purpose Hall, Pigcarangan, Lanao del Norte nito lamang Martes, Marso 15, 2022.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Isaias Bacurnay Jr, Provincial Director, Lanao del Norte Police Provincial Office kasama ang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines; Commission on Elections; Department of Education; Faith-Based Advocacy Support Group; at stakeholders.
Naging tampok sa naturang aktibidad ang Unity Walk, Interfaith Rally, Signing of Pledge of Commitment kaugnay sa paparating na National at Local Elections 2022 at nagpalipad din ng mga puting kalapati na nagsisimbolo ng pagkakaisa at kapayapaan.
Tiniyak ni Police Colonel Bacurnay na ang kapulisan ay mananatiling non-partisan na organisasyon at patuloy na magbibigay ng seguridad upang mapanatili ang kaayusan sa darating na halalan.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz
Great work thanks PNP