Police Regional Office 12 – Isinagawa ng Police Regional Office 12 ang inisyatibong programa na tinaguriang RIDERS o Responsible Individual Driver Exemplifying Road Safety sa Tambler, Police Regional Office 12 nito lamang Disyembre 5, 2022.
Ito ay pinangunahan ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12 na nagpasimula sa nasabing aktibidad.
Ito ay malugod na dinaluhan ng iba’t ibang mga riders club sa buong rehiyon na nagmula pa sa South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato, Sarangani Province at General Santos City na may kabuuang 423 riders.
Bahagi din ng nasabing program ang ilang mga lectures tungkol sa Basic First Aid, Traffic Laws and Regulations at Road Safety Tips ang Demonstration/Exhibition na pinangunahan ng Regional Medical Dental Unit 12 at Regional Highway Patrol Group 12.
Layunin nito na mabigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga riders ng SOCCSKSARGEN tungkol sa mga batas trapiko, mga regulasyon sa paggamit ng motor at upang makaiwas na din sa mga posibleng aksidente habang sila ay nagmomotor.
Sa mensaheng ibinahagi ni PCol Rogelio Raymundo Jr., Deputy Regional Director for Operation, pinasalamatan nito ang mga riders sa kanilang pagdalo sa nasabing aktibidad.
Pinuri at pinasalamatan ni PCol Raymundo ang bawat riders dahil na din sa mga inisyatibong community outreach program na isinasagawa ng mga riders sa rehiyon na lubos na nakatutulong sa komunidad at mamamayan ng SOCCSKSARGEN.
Kasunod nito ay nagkaroon din ng libreng raffle ng helmets para sa mga riders na dumalo na pinangunahan naman ni PCol Gilberto Tuzon, Officer-In-Charge ng Regional Community Affairs and Development Division.
Sa mensahe naman ni PBGen Macaraeg, muli nyang pinasalamatan ang mga riders sa kanilang pagdalo at sa kanilang nagawa para sa komunidad. Ibinahagi din ni PBGen Macaraeg ang ilan sa kanyang mga karanasan sa pagmomotor bilang isang motorcycle enthusiast at ang kahalagahan ng nasabing aktibidad.
“Kaaway nyo ako pag kayo ang mali ngunit, pag kayo ang tama, magkasama nating lalabanan ang mali,” ani PBgen Macaraeg.
Panulat ni Pat Gio Batungbacal